August 1, 2019
Pangarap ni Teacher 10 lang sapat na
Sa dami nang ginagawa ng mga guro, kasama ang araw araw na paggawa ng Daily Lesson Plan, pagtuturo, paggawa ng examinations, checking at marami pang ibang bagay. Nandyan pa ang maging ama at ina, nurse, doctor para sa mga bata. Kaya napapanahon na ngang dagdagan ang sahod ng mga guro.
Now, President Rodrigo Roa Dutererte nasabi nya sa kanyang speech na isasama na ang pagtaas ng sahod nang guro sa Salary Standarization Law (SSL) last July 22, 2019 in its State of the Nation Address (SONA).
Pero sapat kaya ang halagang itataas ng sahod? Marahil kung ikaw ay isang guro ikaw ay magiging masaya na kahit papaano.
Pero marami pang ang dapat bigyan pansin sa pangangailangan ng isang guro upang maging mabisa sa pagtuturo.
1.) Teachers should be entitled for free annual eye, medical and dental check up.
2.)Aside sa Chalk allowance dapat meron ring Laptop allowance for every three years.
3)Dapat bumuo provident fund, na magsisilbing pautangan ng mga guro at magiging additional savings.
4)gawing malinaw ang 6 hours na oras na trabaho ng teacher.
5)Bigyan ng faculty room na may sapat at maayos.
6)Bigyan ng health card na exclusibo lamang sa guro at mga kapamilya nito.
7)Gumawa nang bagong ahensya na papalit sa GSIS, na tututok sa pangangailang seguridad ng mga guro at pamilya.
8)Maging malinaw ang paraan kung paano mapropromote ang isang guro, kagaya ng edukasyon skills at training.
9) gumawa ng bagong posisyon mula Teacher 1 to Teacher 7, upang maalis ang agwat ng teacher 3 to Master teacher 1
10)bukod sa Curriculum Guide (CG) at Teachers Guide (TG) dapat buo na ang DLL/DLP na ibibigay ng Division sa mga guro bago ang simula ng school year.
Pangarap lang ito para sa isang guro, pero ang pinaka pangarap nya maging mahusay na mamamayan ang mga bata sa pamamagitan ng edukasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment