August 14, 2015

BSP ISABELA

ISABELA STATE UNIVERSITY Cauayan City, Isabela August 14, 2015-  Ang Northern Isabela Bankers Club (NIBAC) ay matagumpay na naidaos ang  Sport fest and Induction of newly officers sa Isabela State University gymnasium kasama ang 26 local Banks, Commercial to Rural.

Si Mayor Bernard M. Dy ang naging panauhing pandangal, na kalaunan nag-anunsyo sa posibilidad ng pagpapatayo ng BANKONG SENTRAL NG PILIPINAS (BSP) or Central Bank of the Philippines na merong budget proposal na 200 million. Ang nasabing pasilidad ay ipapatayo sa kasalukuyang Mushroom center sa Cauayan City, na plinaplano din na maging Financial Center ng Lungsod.

Ang anunsyong ito ay umani ng positibong reaksyon mula sa mga taga banko. Ang pagpapatayo ng BSP sa isabela ay maglalayong tugunan ng mas mabilis at magandang serbisyong may kinalaman sa pagpapaikot ng Pera sa rehiyon. Ang pinakamalapit na pasilidad ng BSP ay matatagpuan pa sa Tuguegarao City na Mahigit na dalawang oras ang layo nito. 


No comments:

Post a Comment